?

Log in

THIS IS OUR EMERGENCY [entries|archive|friends|userinfo]
nenenenene

[ website | My Website ]
[ userinfo | livejournal userinfo ]
[ archive | journal archive ]

hateR, stalkers? labers? taes? friends.... [Nov. 21st, 2006|10:23 pm]
nenenenene
[Current Mood |workingworking]

bagong lj. add add add. elyentae.livejournal.com thanks.
Link2 comments|Leave a comment

IM BACK. agen. totoo na. [Nov. 20th, 2006|09:01 pm]
nenenenene
[Current Mood |bitchybitchy - bitch daw ako e!=))]
[Current Music |crazy bitch - =))]

what's with haters? uso? :))
yung araw na to, lahat ng mga nangyayari sa mga tao(andami. including me?) is proof that no one's really nice in highschool.
parang lahat may hater e. wala nakakatawa lang. :|


ingat nalang sa mga taong nakikilala niyo. bow.


"don't ruin my day just because of your misery." - misis
pwede? haha.
Link11 comments|Leave a comment

MONDAY [Sep. 11th, 2006|07:46 pm]
nenenenene
late nanaman ako. puno ko na yugn harap ng index card. ayuslang katamad e.

X X X X X X X X X X X X X

pumunta ko sa tramo. gulat sila. nagpasulat ako ng letter para sa nanay ko. nakakuwentuhan ko pinsan ko. may girlfriend na siya. haha. wala lang. tuwang tuwa ako sa kaniya at sa mga kwento niya.


sayang walang camera.:0
LinkLeave a comment

WEEKEND! [Sep. 10th, 2006|10:22 pm]
nenenenene
[Current Mood |chipperchipper]

Kapatid team bulding

Di ko lam kung masaya ba siya o ano. 90% na masaya siguro. tapos 10% na okei lang.
Friday ng gabi hanggang saturday ng umaga.

MEETING

Umuwi ako para maligo. Kumain ako. Naabutan ko pa yung libreng pizza sa bahay. Pero halos sinubo ko na lang at linunok yung pizza sa pagmamadali dahil may meeting pako para sa air car. 9am call time, 10 nasa bahay pako. waha. sobrang traffic. nakatulog nako't lahat nasa isang kalye parin yung jeep. 11 dumating nako. sinimulan na namin yung aircar. 12 hindi parin tapos, nagvolunteer nakong tapusin sa bahay dahil draft langnaman.

LAKAD NAMIN NI AIA

lagpas 1 na kami nagkita. nawili ako sa national bookstore at napabili ng kung ano ano. nagpunta kaming market at nanuod ng wickerman. taenang mubi yun. nakakabother.

Ang sarap. Sobrang enjoy. Aylabyu aia. yusanobabits. ♥
LinkLeave a comment

*nagwiwisel [Sep. 8th, 2006|07:32 am]
nenenenene
[Current Mood |relaxedrelaxed]
[Current Music |snow patrol - chasing cars]

uy o. di ako late ngayon. absent lang. katamad pumasok e. bakit ba kasi may pasok ngayon e birthday ng virgin mary? catholic school naman kami sa pagkakaalam ko. medyo tanggap ko pa kung may pasok, tapos may mass. pero wala din. weird. baka surprise. surprise mass. haha. di din. kami yung tutugtog tapos di namin alam.

sarap ng buhay na ganito. paeasy easy lang o.
Link6 comments|Leave a comment

ITSH A MIRAKOL [Sep. 6th, 2006|07:58 pm]
nenenenene
[Current Mood |thankfulthankful]

It's like magic.
It's a mirakel.
A blessing.
A second chance.

PINASA AKO NI SIR JAVIER! Put..................a...ng.i...naaaaa. di ako makapaniwala talaga.
Expect the unexpected. Yun e.

Inannounce niya lahat. pagwalang sinabing grade....alam mo nayun.

Bago pa nun. nung unang beses niyang sinabi yung grades, bagsak ako. Alam ko na yun nun. Wala akong pinasang assignments, isa lang siguro, bagsak lahat ng quizzes, walang seatworks, bagsak lahat nglong tests, perio. Di nagrerecite, hindi sumisipsip. Wala nakong reklamo nun. Kung makaka-70 ako, tanggap ko.

TAPOS KANINA.

Inannounce yung final grades. eto na yung final desisyown niya.
CLASS NO. 8 - 78
9 - 82
10 - 80
11 - 75(DATS ME!)

puta. nashock talaga ako. napa ano daw ako e. ako bayun? shet i kent bilib it. until now. ayteyk back ebri bad thing ay sed about him.

Dati puro lait...ngayon sinasamba ko na siya. LAHAT KAMI! haha. lord. bless sir javier. he's a beri good and considerate person.

TAMA SIYA:
Kahit anung mangyari, siya parin ang PHYSICS teacher namin. Nasa sakaniya parin kung papasa kami o babagsak.


sir javier. ay tink aylabyu. ♥
waha. :)
LAHAT KAMI.

AMBANGO MO!
LinkLeave a comment

shikishake. [Sep. 4th, 2006|08:02 pm]
nenenenene
[Current Mood |hungryhungry]

Eto yung mga panahon na inaayos na ng mga tao yung application forms nila para sa college. Ako rin. Meron nakong form ng UST at CEU. Nalagay ko narin sa box na may ‘course’ yung nursing. Ayoko mag-nursing. At ngayon ko lang yun naisip.

Nabbwisit nga ko sa mga taong tipong,

”anong course na nilagay mo?”
“mma”
“o? waw”
“oo, wala nakong maisip e.”

“anung course mo?”
“comarts”
“ah talaga.”
“oo madali daw yun e”

“anung course mo?”
“ewan kung ano ano nalang pinagchecheck ko sa la salle e”
“gagu bakit?”
”wala e di pa ko desidido. basta kung anong madaling ipasa”


pota. Ganun kadali.


yung ganun ganun lang.
ngayon ko lang naisip na iba yung gusto ko. Nakakinggit kaya yung mga taong kahit san nila gusto mag-aral ayus lang kasi may pera naman sila. Pproblemahin nalang nila kung ipapasa nila yung eskwelahan nayun. Nakakinggit yung mga taong kahit anong course na kunin nila, ayus lang sa magulang nila. Kahit gano pa kawalang kwenta kasi yun yung gusto nila.

Ayoko talaga ng nursing. Nung una kasi ayus lang. Para naman sa pamilya. Kung hindi man ako magaling sa science, matututunan ko din yun. Pero ngayon, naisip kong yun yung gagawin ko araw araw pagtanda ko. Naisip ko, na hindi ko talaga kaya ang science. Simula pers yir. Gen sci, bio, chem at pisiks di ko na magawa e. E PURO SAYANS YUN! Naisip ko din. Oo kung sakasakali, matutulungan ko nga pamilya ko. Wala nabang ibang paraan. Pano naman kaya ako.

Pano kung hindi na in demand ang nurses paggraduate ko.

Sana pinag-aral nalang nila ko sa masmurang eskwelahan nung gradeschool at highschool tapos inipon nalang nila yung pera pangcollege ko. Pota naman kasi noh.

Dapat tatay ko yung nagtrabaho ng mabuti para maganda yung buhay namin ngayon. Hindi yung ako yung aasahan nila. Di naman sa hindi ko gustong tumulong. Syemrpe gusto ko. Pero naman.

Sabi ng tatay ko dati, magnursing lang ako, tapos kahit anong gusto kong gawin pagkatapos nun, pwede kong gawin. Para lang may back-up ako pagwala na talagang nangyayari sa buhay ko.

Pero tama si aia, pano ko gagawin yung gusto ko? E hindi naman yung gusto ko yung inaral ko nung college. Ano yun mag-aaral ako ulit?San kami kukuha ng pera. E bakit hindi nalang baliktad. Bakit di ko nalang kunin yung gusto ko, gawin yung gusto ko, at pagwalang nangyari sa buhay ko. Pag naisipan kong maging nurse talaga, edi mag-aral nalang ako ng nursing. Pero ganun din. San kami kukuha ng pera.

Chaka pano naman mangyayari yun. E sa mga sinasabi sakin ng nanay ko wala ng panahon para dun.

Lord, panalunin niyo na kasi yung nanay ko sa lotto ng 800 milyon. Pramis ishashare naming yung 10milyon sa ibang tao.

Sa totoo lang, kung magnunurse ako para yumaman. Ayoko na yumaman e. Ayus na sakin yung ganito. Siguro ganito lang ako mag-isip kasi bata pako. Pero sa ngayon, sobrang okei sakin yung ganitong buhay lang. Tipong kumakain lang ng tatlong beses sa isang araw. Nakakapag-aral yung mga dapat mag-aral. May pambayad sa kuryente at tubig. May bahay. May damit. Simpleng buhay lang.
Link3 comments|Leave a comment

samtaymspipolkenbirili... [Aug. 31st, 2006|06:08 pm]
nenenenene
[Current Mood |crazyfgdsgr]

May mga tanong lang ako ano..

Bali.

Bakit may mga taong ayaw sabihin yung score nila sa test? Tipong tatakpan pa nila ng kamay yung part ng score sa papel kahit wala kanaman talagang balak alamin. O pag tinanong mo naman, di sasabihin.

Bakit may mga tao naman na pasimpleng yabang pa sa pagmamalaki ng score? Tatanungin ka muna kung anong score mo para tanungin mo rin siya.

At may senaryo pang:

classmate:NE anong score mo?
nene: 5/10
classmate:a okei lang yan.
nene: ikaw ba?
classmate:8. ang baba nga e.

isa pa.

classmate: ne ilan ka?
nene: baba. 17/30.
classmate: okei na yun!
nene: ikaw?
classmate:24/30. nakakainis.

Bakit may mga taong ayaw malamangan?

Misis: tell the other sections the content of the test so that they'll get higher than you.
_______________________

Ne: uy ano laman ng test?
tae: e.....wag daw sabihin e. mag-aral kanalang.

PERO PAGSILA NAMAN!

tae: uy ano daw laman ng test? sige na kailangan ko talagang pumasa! tulungan moko.
ne: test I.........


Bakit may mga taong ayaw magpakopya? Minsan lang naman. Pagila naman papakopyahin din sila e.

Bakit kung sino pa yung matalino siya yung wala kang makukuha? ayaw magturo! ayaw sumagot ng tanong! sasabihin hindi alam. Pero pagdating ng exams! lagpas pa sa perfect yung score. a. e. mukang wala nga silang alam. chumamba siguro. chumamba. aba kung ako lang matalino tutulungan ko lahat ng mga mangmang at walang alam. para san pa't binigyan ka ng diyos ng ganyang talino di mo naman gagamitin sa pagtulong.

like what adam smith said, people only want to better themselves. self betterment ba.



eto..


bakit ba sakin lagi nagtatanongpag walang assignment, pagdi naka gawa ng ipapasa, paghindi nakapagdala ng kailangan, pagdi nakapag-aral. Yun bang, "ay sigurado wala naman nun si nene e. ayus lang" pampalubag loob bako? o kaya. "ne meron ka? wala noh? yes. may kadamay ako!" waw. aym glad ay cud help.


eto din.

bakit walang may tiwala sakin pagdating sa mga tamang sagot?
tipong:

ipis:ne! bakit naging......
Nene: ganito..............
ipis: a
ipis: uy!(tanong sa kklaseng matalino) bakit naging.....(same question).
matalinong kklase: ganito..(pareho lang ng sinabi)
ipis: a....gets.

pagmay contest o kaya game!

teammember: o guys, ano ng sagot?
nene: B. sigurado ako.
teammember#2: C yun!
nene: B yun.
teammember: osige C.

teacher: the correct answer is...B.

????

e eto. last na.

classmate umiinom ng c2.

ne: UY! nakakakacancer daw yan.
maderpaker: hahahaha! ulul.
ne: tanga seryoso ako.
maderpaker: :|
ne: gagu bat ayaw mu maniwala!
maderpaker #2: di ka kasi mukang kapanipaniwala! haha!
maderpaker: oo parang joke time lagi yugn muka e haha.


ganon.

Isang araw makikita niyo! may encyclopedia ng ipapangalan sakin. mga anak niyo ipapangalan niyo sakin.
Link8 comments|Leave a comment

(no subject) [Aug. 30th, 2006|07:25 pm]
nenenenene
"who died and made you perfect?" - Misis

yan yung sinabi niya samin nung inakala niyang pinagtatawanan namin si harvie kasi nagkamali to. pero siya talaga pinagtatawanan namin nun. benta talaga. the best. wala daw perpekto kaya hindi tayo dapat tumatawa sa pagkakamali ng ibang tao. sabi niya.

-----------------------------------------------------------------



miss ko na si MB. di na kami seatmates e. nakakamiss talaga kahit nasa iisang kwarto parin kami. syempre iba yung magkatabi. may mga bagay kasing si mb lang nakakagets e. siya lang naging seatmate ko na kasundo ko ng ganito. sana sa 4th kwarter uli!:)
LinkLeave a comment

chugchugchug. [Aug. 28th, 2006|07:37 pm]
nenenenene
[Current Mood |calmcalm]
[Current Music |artic monkeys]

ang sarap ng araw nato. parang puro kainan lang. feast day ng class saint namin e. si agustin. walang math, computer pe speech at grammar lang. ang gaan ng lunes ko. tumugtog pala ko sa misa kanina. isang malaking DISASTER. diba norie? ay hindi mo pala to mababasa. pano. di e. hindi ako yung may kasalanan. si tita alma. haha. e basta. ganun nayun.

aym beginning to lab may club.
ang mali nalang ng timing kung masusupend ako.
Link10 comments|Leave a comment

navigation
[ viewing | most recent entries ]
[ go | earlier ]