nenenenene ([info]nenenenene) wrote,
  • Mood: disappointed
  • Music: para sayo - parokya ni edgar

XMASeve.

Image hosted by Photobucket.com

Christmas eve, may mass kagabi sa kalye. Attend naman ako, minsan lang ako nag-mamass at isa to sa mga minsan na yun. Pasko mhen. At marami din akong dapat ipagpasalamat sa diyos. Ayun, at kahit ba misa yun, sagrado at lahat, di ko mapigilang matawa sa ugali ng mga tao. Nagkaron ng biglaang transformation. I mean oo it's christmas, pero kung di ka naman talaga mabait diba, wag ka na magpakaplastic! Di lang nila alam, alam ng mga tao kung ano talaga nasa loob nila. Anyways, ayun, di nanamin hinintay ang 12midnight(pota ano ba), pagkabalik ng bahay binuksan na namin mga regalo. Konti nalang natira kasi pagbinigyan naman ako binubuksan ko agad e, nagkataon lang na tinamad akong buksan yun iba. Ayun pagbukas ko ng isa, pota! Nanlaki butas ng ilong ko! unan! di basta basta unan! unan na power puff girls. parang shet. di ko lam kung matatawa bako o maiiyak. Yung isa naman picture frame na bulaklakin. waw. Goes to show na di parin ako kilala ng mga taong akala kong kilala na ko. Pero ayus lang naman. Naappreciate ko naman e. Ayun hinintay ko dumating yung mga pinsan ko, umaasang magiging magulo at maingay yung tahimik naming christmas eve. Pagdating nila, nadisappoint ako kasi ewan ko. at hanggang ngayon tinatanong ko sa sarili ko, Ako lang ba masaya kasi magpapasko?

  • Post a new comment

    Error

  • 0 comments
Create an Account
Forgot your login or password?
Facebook Twitter More login options
English • Español • Deutsch • Русский…